Piyesta


Coconut Festival




Ito ay isang pagdiriwang sa San Pablo bilang pagbibigay-pugay sa kanilang patron na si St. Paul the Hermit. Ito ay ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng Enero ng taon. Tinawag itong Coconut Festival dahil ang Coconut, o Buko, ang siyang pangunahing produkto ng nasabing bayan at ng probinsya ng Laguna.



Bangkero Festival




Ang Bangkero Festival ay ipinagdiriwang tuwing ikalawang linggo ng Marso, upang ipakita ang kagitingan ng mga bangkero sa kanilang lugar sa Pagsanjan. Ang mga modernong bangkero ang nagsisilbing tour guides o tagapangalaga ng mga turistang dumadayo para bisitahin ang Pagsanjan Falls.



Tsinelas Festival




Ang maliit na bayan ng Liliw ang siyang tinaguriang Footwear Capital ng Laguna, na kung saan idinaraos ang Tsinelas Festival. Mas kilala sa tawag na "Liliw Gat Tayaw Tsinelas" ang nasabing piyesta. Ito ay ginaganap tuwing huling linggo ng Abril, na unang ipinagdiwang noong Abril, 2002.



Pinya Festival





Pinya ang siyang pangunahing agrikultural na produkto ng Calauan, kung saan ipinagdiriwang ang Pinya Festival tuwing ikalawang linggo ng Mayo. Nagsimulang ipagdiwang ito noong Mayo, 2003, kasabay ang pagdiriwang ng kapistahan ni San Isidro Labrador, ang kanilang patron.



Keso Festival




Kilala ang bayan ng Santa Cruz dahil sa ipinagmamalaki nitong kesong puti, na siyang gawa sa pinakasariwang gatas ng kalabaw na may kasama pang tinatawag na coagulating agent. Abril, 2002 nang simulang ipagdiwang ang Keso Festival kasabay ang quadricentennial ng bayan bilang isang munisipalidad. Ang nasabing kapistahan ay ipinagdiriwang tuwing unang linggo ng Abril.


_________________________________________________________

Paalala:

Ang mga larawang ginamit dito ay kinuha mula sa mga sumusunod na pahina:

1. Coconut Festivalhttp://www.imagesphilippines.com/viewimage.php?id=702
2. Bangkero Festival http://www.traveltothephilippines.info/2012/08/19/watch-the-exciting-bangkero-festival-in-pagsanjan-laguna/
3. Tsinelas Festivalhttp://www.traveltothephilippines.info/2012/08/20/tsinelas-festival-honors-footwear-making-as-a-livelihood-of-laguna/ or laguna.com.ph
4. Pinya Festivalhttp://www.flickriver.com/photos/jepoy118/7279789540/
5. Keso Festivalhttp://www.traveltothephilippines.info/2012/09/02/a-dairy-feast-in-keso-cheese-festival-in-laguna/

No comments:

Post a Comment