Ang Jose Rizal Shrine sa Calamba Laguna, kung saan ipinanganak ang pambansang bayani ng Pilipinas, ay isa sa mga pinakatanyag na historical and tourist sites sa Laguna.
Ang kasalukuyang bahay, o museo na kung tawagin, ay isa na lamang replica ng sinaunang ancestral house ng pamilya ni Rizal.
Ang Pagsanjan Falls ay isa sa mga pinaka-popular na waterfalls sa Pilipinas. Kaya naman, isa rin ito sa mga hinahangaang tourist attraction ng lalawigan. Ang pagsakay sa Shooting the Rapids (isang dugout canoe) ay ang pinakasikat na paraan para makarating sa falls.
Bundok ng Makiling
Kilala ang Bundok na Makiling dahil sa maalamat nitong pinagmulan, na kung saan ito'y pinapangalagaan ng isang nagngangalang Maria Makiling. Ito ay matatagpuan sa Los Baños, na kasalukuyang opisyal na pinoprotektahan ng University of the Philippines, Los Baños (UPLB). Ang bundok ng Makiling ay isang inaktibong bulkan na may taas na 1,109 na metro mula sa sea level o may katumbas na 3,576 na talampakan.

IRRI
Ang IRRI o ang International Rice Research Institute ay isang international NGO, na kung saan ang headquarters nito ay matatagpuan sa Los Baños. Ang nasabing NGO ay mayroon ding labing-anim na opisina sa iba't ibang bansa. Ang pangunahing layunin ng IRRI ay makapaghanap ng mga paraan para mapaunlad ang kabuhayan ng mga magsasaka, mamimili ng bigas, gayundin ang kapaligiran.

Enchanted Kingdom
“The Magic Lives On…”
Iyan ang pamosong linya ng isa sa mga pinakasikat na leisure park sa Pilipinas, ang Enchanted Kingdom, na matatagpuan din sa lalawigan ng Laguna. Milyun-milyong turista ang dumadayo rito taun-taon dahil sa mga nakakamanghang mga rides at attraction ng nasabing popular na theme park.
_________________________________________________________________________________
Paalala:
Ang mga larawang ginamit dito ay kinuha mula sa mga sumusunod na pahina:
1. Rizal Shrine - http://homeworks-edsci.blogspot.com/2009/09/mga-makasaysayan-pook-sa-ating-bansa_3257.html
2. Pagsanjan Falls - http://bestplacesphilippines.blogspot.com/2012/05/pagsanjan-falls.html
3. Mt. Makiling - http://www.pinoymountaineer.com/2009/12/maktrav-mt-makilingsto-tomas-los-banos.html
4. IRRI - http://archive.irri.org/publications/today/Jennings.asp
5. Enchanted Kingdom - http://tripnatin.com/2012-03-806.html
Ty
ReplyDeleteSo beautiful
Deletety
ReplyDeletevery beautiful
ReplyDeletety
ReplyDeletevery beautiful so much
Ty
ReplyDelete.............
ReplyDeleteis it correct?? HUHU🥺
ReplyDeleteIT IS
Deleteoh ok thankss
Deletebut how did u know?? ;-;
idk LOLLL
DeleteIt's all correct😁
DeleteUHHH LOL? ;-; ;-; ;-;
ReplyDeleteTae kayong lang papanget nyo
ReplyDeleteThank you very much po >3
ReplyDelete(>∆<)